Sa labas, sa daan, sa bangketa naghihintay ng masasakyan … sa Jolibee, sa Mcdo, sa KFC … sa pila ng jeep, ng FX, sa MRT … sa SM, sa Robinson’s, sa Trinoma, sa Greenbelt. Ako yung katabi mo sa simbahan nung inaantok ka, ako din yung naiinis dun sa taong kuwento ng kuwento sa loob ng sinehan na pinanooran natin.
Ako yung nakagitgitan mo sa isang rally sa Ayala … yung nakabanggan mo ng siko kakatalon sa isang concert sa Mall of Asia. Ako yung pinagtanungan mo kung ano nangyari nung may nabanggang matanda sa Shaw Boulevard. Sa akin ka din nagtanong kung saan ba ang Valero St. Tayo yung namaos kakasigaw para sa Ginebra sa Araneta. Nag-high five pa nga tayo sa isang Sports Grill resto nung nanalo si Pacquiao.
Malamang sabay tayo nago-OT halos gabi-gabi, dahil maraming trabaho o umiiwas lang sa traffic. Overworked and underpaid pakiramdam natin. Pag nakikita natin ang withholding tax natin sa payslip, pareho tayo naiinis. Galit na galit tayo kay GMA, FG, Abalos, Jocjoc, sa mga senador, kongresista, at pork barrel … pero wala naman tayo magawa, o ginagawa.
Ako yun. Ikaw yun. Pareho lang naman tayo, ‘di ba?

kilala nga kita. magkita na lang tayo sa tabi tabi, kaibigan.
hi! i like this!